Nag-alarm ako ng 630..bumangon lumabas ng kwarto para tignan kung maganda ang panahon sa labas.. Yes.. maaraw! Kinulit kong gisingin si hubberz para makapasyal kami. Si Coca at Cola tulog na tulog pa kaya hindi na namin inistorbo.. Rest day rin kasi nila, kaya dapat lang hayaan namin silang makapahinga.
Naalala namin na may baon kaming 4 na cup noodles, pero wala kaming pagkukunan ng mainit na tubig. So tanong kami kay manang, na naghahanda ng pagkain ng ibang guests.. Sabi nya kung gusto namin, ipag-iinit nya kami ng tubig para sa noodles, pero may bayad. Para na lang makapag-almusal kami, pumayag rin kami ni hubberz.
Lakad kami sa beach, ang daming mamang naka-abang, nag-aalok ng banca ride sa kung sang island. May nagvivideoke narin sa gilid ng resort, syet what a way to start the day. Matapos makatanggi ng ilang ulit sa mga nag-aalok at nagtitinda, picture taking na.
Pagkabalik namin ng cottage, andun na ang Mahiwagang Takuri. Nang tinanong ni hubberz kung magkano ung pagpainit ng tubig, 30pesos daw. Anak ng Tokwa, trenta pesos para sa pag-init ng tubig. Parang kahapon lang, binebentahan rin kami ng 6pesos para sa isang pares ng kutsara at tinidor!
Nagising na si Coca at Cola, inaya na namin sila kumain ng noodles na may gintong mainit na tubig. Buti narin lang nagkasya ang tubig sa apat na noodles. Matapos kumain, swimming time!!! Nakapag-bilad rin sa wakas!!
Medyo may tan na kaming lahat.. medyo gutom narin dahil inabot na ng tanghali.. kaya si Manager Coca tumawag sa Greenwich-lemery para magpadeliver ng pagkain. Umorder na kami ng katakot-takot na pagkain, para pati sa hapunan, hindi na kami magugutom. Piesta kami nung tanghali.
Dahil nabusog na at inantok narin sa kaka-swimming. Nag-siesta kami. Gising ng hapon, para magsetup ulit ng Round 2 ng inuman sessions. Ang saya, dahil kumpletos recados na ang pulutan!!
Maaga rin natapos ang Round 2 dahil inalala namin na may pasok pa kinabukasan si Cola.. at kailangan naming umalis rin ng maaga. Ang kinahinatnan, nahiga kami ng maaga, pero hindi rin kami makatulog!
Kinabukasan akala namin, tapos na ang escapade dahil nagliligpit na kami at magsosoli pa ng mga bote sa 7-11. Enter tricycle driver #4, ang pinaka-kupal sa lahat. Natagalan kami sa gilid ng kalsada dahil naubusan raw sya ng gas. mga 15mins rin ang tinagal ng pagtakbo nya sa gas station. Pagdating namin ng syudad, at nagbayad ng 100, aba, tumingin sa malayo na para bang sakto lang ang ibinayad namin. (20pesos ang isa) Kaya kailangan pa magtaray ni Cola para hingin ang sukli kay kupal.
Nagmeryenda muna kami sa 7-11 bago tuluyang pumunta ng terminal ng van. Napag-alaman namin na may mas mabilis pala na route pabalik ng manila, via tagaytay. Sakay ulit ng tricycle, dahil malayo rin daw ang terminal na to. Si tricycle driver #5 ang pinakamabait. Binigyan nya kami ng tip kung saang terminal ang mas mabilis ang byahe pabalik ng Buendia. Kaya binigyan sha ng 20tip ni hubberz..galante talaga.
Halos wala pang tatlong oras ang naging byahe namin pabalik ng manila.. nakakatuwa rin ang byahe dahil ang daming mga cartoon characters sa paligid namin habang nasa van.
Sana makapag-escapade ulit kami ng ganito, sa susunod, magdadala na tayo ng de-kuryenteng takuri.
